1 Narito ang mga lalaking pumunta sa Ziklag at sumama kay David noong siya'y nagtatago kay Saul. Sila'y kilalang mandirigma, kaliwa't kanan kung gumamit ng pana, at asintado sa tirador.
2 Sa lipi ni Benjamin mula sa angkan ni Saul:
3 si Ahiezer, ang pinakapinuno at si Joas ang pangalawa, parehong anak ni Semaa na taga-Gibea; sina Jeziel at Pelet na mga anak ni Azmavet; sina Beraca at Jehu na parehong taga-Anatot;
4 si Ismaias, na taga-Gibeon, isa sa mga pinuno ng Tatlumpu; sina Jeremias, Jahaziel, Johanan at Jozabad na mga taga-Gedera;
5 sina Eluzai, Jerimot, Bealias, Semarias at Sefatias na taga-Haruf;
6 sina Elkana, Isaias, Azarel, Joezer at Jasobeam na buhat sa angkan ni Korah;