4 Ito ang mga anak niya na isinilang sa Jerusalem: sina Samua, Sobab, Natan, Solomon;
5 Ibhar, Elisua, Elpelet;
6 Noga, Nefeg, Jafia;
7 Elisama, Beeliada, at Elifelet.
8 Nang mabalitaan ng mga Filisteo na si David ay itinanghal nang hari sa buong Israel, lumusob sila upang hanapin si David. Nalaman ito ni David kaya't hinarap niya ang mga Filisteo.
9 Unang sinalakay ng mga Filisteo ang libis ng Refaim.
10 Itinanong ni David sa Diyos, “Lalabanan ko po ba ang mga Filisteo? Magtatagumpay po ba ako laban sa kanila?”“Humayo ka,” sagot ni Yahweh, “pagtatagumpayin kita laban sa iyong mga kaaway.”