3 Pagkatapos, tinipon ni David sa Jerusalem ang buong Israel upang dalhin ang Kaban ng Tipan sa lugar na inilaan para dito.
4 Tinipon din niya ang mga mula sa angkan ni Aaron at ang mga Levita:
5 sa angkan ni Kohat, si Uriel at ang 120 kamag-anak na pinamumunuan niya;
6 sa angkan ni Merari, si Asaias at ang pinamumunuan niyang 220 mga kamag-anak;
7 sa angkan ni Gershon ay si Joel at ang 130 kasama niya;
8 sa angkan ni Elizafan, si Semaias at ang 200 mga kamag-anak na kanyang pinamumunuan;
9 sa angkan ni Hebron, si Eliel at ang walumpung kamag-anak niya;