20 Sa maraming bansa sila'y natatagpuan,nagpalipat-lipat sa iba't ibang kaharian.
21 Di hinayaan ng Diyos sila'y alipinin,mga hari'y binalaang huwag silang aapihin.
22 Sabi niya, “Huwag sasaktan ang bayan kong hinirang,ang mga propeta ko ay iyong igalang.”
23 Umawit ka kay Yahweh, buong sanlibutan,ipahayag araw-araw, bigay niyang kaligtasan.
24 Ipahayag sa mga bansa kanyang kaluwalhatian.Sabihin sa mga tao gawa niyang makapangyarihan.
25 Si Yahweh ay dakila at karapat-dapat papurihan,siya ay higit sa mga diyos ng buong sanlibutan.
26 Ang diyos ng mga bansa ay mga diyus-diyosan lamang,ngunit si Yahweh ang lumikha ng buong kalangitan.