28 Si Yahweh ay purihin ng lahat ng mga bansa,dapat siyang kilalanin na marangal at dakila.
29 Kilalanin ng lahat maluwalhati niyang pangalan,bawat isa'y lumapit at siya ay handugan.Sambahin si Yahweh sa diwa ng kabanalan,
30 sa harap niya ay gumalang ang lahat ng mga bansa.Ang sandigan ng daigdig ay matibay niyang ginawa.
31 Magalak ang kalangitan, ang daigdig ay matuwa.“Si Yahweh ay naghahari,” ganito ang ibalita.
32 Magpuri ang karagatan at ang lahat ng naroon,ang lahat sa kabukira'y magpuri kay Yahweh.
33 Umawit ang mga punongkahoy na nasa kagubatansa pagdating ni Yahweh upang lahat ay hatulan.
34 Purihin si Yahweh, sa kanyang kabutihan;pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.