31 Magalak ang kalangitan, ang daigdig ay matuwa.“Si Yahweh ay naghahari,” ganito ang ibalita.
32 Magpuri ang karagatan at ang lahat ng naroon,ang lahat sa kabukira'y magpuri kay Yahweh.
33 Umawit ang mga punongkahoy na nasa kagubatansa pagdating ni Yahweh upang lahat ay hatulan.
34 Purihin si Yahweh, sa kanyang kabutihan;pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.
35 Sabihin ding: “Iligtas mo kami, O Diyos ng aming kaligtasan,tipunin mo kami ngayon at iligtas sa kalaban;upang aming pasalamatan ang banal mong pangalanat purihin ka sa iyong kaluwalhatian.”
36 Purihin si Yahweh, ang Diyos ng Israel,purihin siya ngayon at magpakailanman!Pagkatapos, ang buong bayan ay sumagot ng “Amen,” at nagpuri kay Yahweh.
37 Si Asaf at ang kanyang mga kamag-anak ay inatasan ni David na mangasiwa sa pagsambang idinaraos araw-araw sa lugar na kinalalagyan ng Kaban ng Tipan.