21 Nang si Hezron ay animnapung taon na, napangasawa niya ang anak ni Maquir na ama ni Gilead. Naging anak niya si Segub
22 na ama ni Jair, ang may-ari ng dalawampu't tatlong lunsod sa lupain ni Gilead.
23 Ngunit kinuha sa kanila nina Gesur at Aram ang mga Nayon ni Jair at ang Kenat, pati ang mga nayon nito. Lahat-lahat ay animnapung bayan. Ang lahat ng mamamayan dito'y buhat sa angkan ni Maquir na ama ni Gilead.
24 Pagkamatay ni Hezron, kinasama ni Caleb si Efrata na biyuda ng kanyang ama, at naging anak nila si Asur na nagtatag ng bayan ng Tekoa.
25 Ito ang mga anak ni Jerameel, ang panganay ni Hezron: sina Ram, Buna, Orem, Ozem at Ahias.
26 Si Jerameel ay may isa pang asawa na Atara ang pangalan; siya ang ina ni Onam.
27 Ang panganay na anak ni Jerameel ay si Ram, at sina Maaz, Jamin at Equer ang mga anak nito.