24 Pagkamatay ni Hezron, kinasama ni Caleb si Efrata na biyuda ng kanyang ama, at naging anak nila si Asur na nagtatag ng bayan ng Tekoa.
25 Ito ang mga anak ni Jerameel, ang panganay ni Hezron: sina Ram, Buna, Orem, Ozem at Ahias.
26 Si Jerameel ay may isa pang asawa na Atara ang pangalan; siya ang ina ni Onam.
27 Ang panganay na anak ni Jerameel ay si Ram, at sina Maaz, Jamin at Equer ang mga anak nito.
28 Mga anak ni Onam sina Samai at Jada. Ang mga anak naman ni Samai ay sina Nadab at Abisur.
29 Asawa ni Abisur si Abihail at dalawa ang anak nila: sina Ahban at Molid.
30 Mga anak ni Nadab sina Seled at Apaim. Namatay si Seled na walang anak.