42 Ang anak na panganay ni Caleb na kapatid ni Jerameel ay si Mesa na ama ni Zif. Si Zif ay ama ni Maresa at anak naman ni Maresa si Hebron.
43 Ang mga anak ni Hebron ay sina Korah, Tapua, Requem at Sema.
44 Si Sema ang ama ni Raham na ama ni Jorqueam, at si Requem naman ang ama ni Samai.
45 Ang anak ni Samai ay si Maon na ama naman ni Beth-sur.
46 Naging asawang-lingkod ni Caleb si Efa, at nagkaanak sila ng tatlo: sina Haran, Moza at Gasez. Gasez din ang ngalan ng naging anak ni Haran.
47 Ang mga anak ni Jahdai ay sina Regem, Jotam, Gesam, Pelet, Efa at Saaf.
48 Kay Maaca, isa pang asawang-lingkod ni Caleb, nagkaanak siya ng dalawa: sina Seber at Tirhana.