49 Si Aaron naman at ang kanyang mga anak ang nangangasiwa sa pag-aalay sa altar ng mga handog na susunugin at sa altar ng insenso; sa gawain sa Dakong Kabanal-banalan at sa pagtubos sa kasalanan ng Israel, ayon sa iniutos ni Moises na lingkod ng Diyos.
50 Ito ang mga sumunod pang angkan ni Aaron: Si Eleazar na ama ni Finehas na ama naman ni Abisua;
51 si Buki na ama ni Uzi na ama ni Zerahias;
52 si Meraiot na ama ni Amarias na ama ni Ahitob;
53 at si Zadok na ama ni Ahimaaz.
54-55 Ang mga lugar na inilaan para sa angkan ni Aaron sa angkan ni Kohat ay ang Hebron sa Juda at ang mga pastulan sa paligid nito. Sila ang binigyan ng unang bahagi ng lupaing itinalaga para sa mga Levita.
56 Ang mga bukirin naman ng lunsod at mga nayong sakop nito ay ibinigay kay Caleb na anak ni Jefune.