6 Ang mga anak ni Benjamin ay sina Bela, Bequer at Jediael.
7 Sina Esbon, Uzi, Uziel, Jeremot at Iri naman ang mga anak ni Bela. Sila'y mga pinuno ng kanilang sambahayan at pawang mga mandirigma. Ang kanilang mandirigma ay umaabot sa 22,034.
8 Ang mga anak naman ni Bequer ay sina Zemira, Joas, Eliezer, Elioenai, Omri, Jeremot, Abias, Anatot at Alamet.
9 Sila'y pawang magigiting na mandirigma at pinuno ng kani-kanilang sambahayan. Ang kanilang mandirigma ay umaabot sa 20,200.
10 Ang anak ni Jediael ay si Bilhan. Ang mga anak naman ni Bilhan ay sina Jehus, Benjamin, Aod, Canaana, Zetan, Tarsis at Ahisahar.
11 Ang magkakapatid na ito'y pawang magigiting na mandirigma at pinuno ng kani-kanilang sambahayan. Ang mandirigma nila'y umaabot sa 17,200.
12 Ang mga Supamita at Hupamita ay buhat sa lahi ni Ir. Ang mga anak ni Dan ay si Husim at ang angkan ni Aher.