33 Si Ner naman ang ama ni Kish na ama ni Saul. Anak ni Saul sina Jonatan, Melquisua, Abinadab at Esbaal.
34 Ang anak ni Jonatan ay si Merib-baal na ama naman ni Mica.
35 Ang mga anak ni Mica ay sina Piton, Melec, Tarea at Ahaz.
36 Anak ni Ahaz si Joada at mga anak naman nito sina Alemet, Azmavet at Zimri, na ama naman ni Moza.
37 Anak ni Moza si Binea na ama nina Rafa, Elasa at Azel.
38 Anim ang anak ni Azel, sina Azrikam, Bocru, Ismael, Searias, Obadias at Hanan.
39 Si Esec na kapatid ni Azel ay may mga anak din. Ang panganay niya ay si Ulam at ang mga sumunod ay sina Jeus at Elifelet.