1 Ang aklat na ito ay naglalaman ng mga pahayag ni Amos, isang pastol na taga-Tekoa. Ang mga bagay na tungkol sa Israel ay ipinahayag sa kanya ng Diyos dalawang taon bago lumindol. Si Uzias noon ang hari ng Juda, at si Jeroboam namang anak ni Joas ang hari ng Israel.
2 Sinabi ni Amos,“Dumadagundong mula sa Bundok ng Zion ang tinig ni Yahweh,mula sa Jerusalem ang kanyang tinig ay naririnig.Natutuyo ang mga pastulan,nalalanta pati ang mga damo sa Bundok Carmel.”
3 Ganito ang sabi ni Yahweh:“Paulit-ulit na nagkasala ang mga taga-Damasco,kaya sila'y paparusahan ko.Pinagmalupitan nila ang Gilead,dinurog nila ito sa giikang bakal.
4 Susunugin ko ang palasyo ni Hazael,at tutupukin ko ang mga tanggulan ni Ben-Hadad.
5 Wawasakin ko ang pintuan ng Lunsod ng Damasco;pupuksain ko ang mga taga libis ng Aven,pati ang may hawak ng setro sa Beth-eden;ang mga taga-Siria naman ay dadalhing-bihag sa Kir.”
6 Ganito ang sabi ni Yahweh:“Paulit-ulit na nagkasala ang mga taga-Gaza,kaya sila'y paparusahan ko.Binihag nila ang isang bansaat ipinagbili sa mga taga-Edom.
7 Susunugin ko ang mga pader ng Gaza;tutupukin ko ang mga tanggulan doon.
8 Aalisin ko ang mga pinuno ng Asdod,at ang may hawak ng setro sa Ashkelon.Hahanapin ko ang Ekron,at lilipulin ko ang mga Filisteo roon.”
9 Ganito ang sabi ni Yahweh:“Paulit-ulit na nagkasala ang mga taga-Tiro,kaya sila'y paparusahan ko.Ipinagbili nila sa Edom ang libu-libo nilang bihag;sinisira nila ang kasunduan ng pagkakapatiran.
10 Susunugin ko ang mga pader ng Tiro;tutupukin ko ang mga palasyo roon.”
11 Ganito ang sabi ni Yahweh:“Paulit-ulit na nagkasala ang mga taga-Edom,kaya sila'y paparusahan ko.Hinabol nila ng tagâ ang mga kapatid nilang Israelitaat hindi sila naawa kahit bahagya.Hindi naglubag ang kanilang poot kailanman.
12 Susunugin ko ang Teman,tutupukin ko naman ang mga tanggulan sa Bozra.”
13 Ganito ang sabi ni Yahweh:“Paulit-ulit na nagkasala ang mga taga-Ammon,kaya sila'y paparusahan ko.Sa labis nilang kasakiman sa lupain,nilaslas nila ang tiyan ng mga buntis sa Gilead.
14 Susunugin ko ang mga pader sa Rabba;tutupukin ko ang mga tanggulan doon.Magsisigawan sila sa panahon ng labanan;mag-aalimpuyo ang labanan tulad ng isang bagyo.