5 Susunugin ko ang Juda;tutupukin ko ang mga tanggulan ng Jerusalem.”
6 Ganito ang sabi ni Yahweh:“Paulit-ulit na nagkasala ang mga taga-Israel,kaya sila'y paparusahan ko.Dahil sa suhol, pinarusahan nila ang mga matutuwid,at ibinentang alipin sa halagang isang pares ng sandalyas ang mga taong hindi makabayad ng utang.
7 Niyuyurakan nila ang mga aba;ipinagtutulakan nila ang mahihirap.Nakikipagtalik ang mag-ama sa iisang babaing alipin,kaya't nalalapastangan ang aking banal na pangalan.
8 Ginagamit nilang higaan sa tabi ng alinmang altarang balabal na sangla ng isang may utang.Sa templo ng kanilang Diyos, sila'y nag-iinumanng alak na binili sa salaping ninakaw sa mga dukha.
9 Nagawa pa nila ito sa akin matapos kong lipulin ang mga Amoreo,na kasintangkad ng mga punong sedar at kasintigas ng punong ensina.Pinuksa kong lahat ang mga ito alang-alang sa kanila.
10 Inilabas ko kayo mula sa Egipto,pinatnubayan sa ilang sa loob ng apatnapung taon,at ibinigay sa inyo ang lupain ng mga Amoreo.
11 Itinalaga kong propeta ang ilan sa inyong mga anak;ginawa kong Nazareo ang iba ninyong kabataan.Mga taga-Israel, hindi ba totoo ang aking sinasabi?