8 Ginagamit nilang higaan sa tabi ng alinmang altarang balabal na sangla ng isang may utang.Sa templo ng kanilang Diyos, sila'y nag-iinumanng alak na binili sa salaping ninakaw sa mga dukha.
9 Nagawa pa nila ito sa akin matapos kong lipulin ang mga Amoreo,na kasintangkad ng mga punong sedar at kasintigas ng punong ensina.Pinuksa kong lahat ang mga ito alang-alang sa kanila.
10 Inilabas ko kayo mula sa Egipto,pinatnubayan sa ilang sa loob ng apatnapung taon,at ibinigay sa inyo ang lupain ng mga Amoreo.
11 Itinalaga kong propeta ang ilan sa inyong mga anak;ginawa kong Nazareo ang iba ninyong kabataan.Mga taga-Israel, hindi ba totoo ang aking sinasabi?
12 Ngunit pinainom ninyo ng alak ang mga Nazareo,at pinagbawalang mangaral ang mga propeta.
13 Kaya ngayo'y pababagsakin ko kayo sa lupa,gaya ng kariton na di makausad sa bigat ng dala.
14 Maging ang matutuling tumakbo ay di makakatakas.Manghihina pati na ang malalakas,maging ang magigiting ay di rin makakaligtas;