2 “Sa lahat ng bansa sa ibabaw ng lupa,kayo lamang ang aking itinangi at inalagaan.Kaya't kayo'y aking paparusahandahil sa inyong mga kasalanan.”
3 Maaari bang magsama sa paglalakbayang dalawang taong hindi nagkakasundo?
4 Umuungal ba ang leon sa kagubatankung wala siyang mabibiktima?Umaatungal ba ang batang leon sa loob ng yungib,kung wala siyang nahuling anuman?
5 Mabibitag ba ang isang ibonkung hindi pinainan?Iigkas ba ang bitagkung ito'y walang huli?
6 Kapag ang mga trumpeta'y humudyat sa lunsod,hindi ba't manginginig sa takot ang mga tao?Kapag may sakunang dumating sa lunsod,hindi ba si Yahweh ang may gawa niyon?
7 Tunay na ang Panginoong Yahweh ay di kumikilos,kung hindi pa ipinababatid sa mga lingkod niyang propeta.
8 Kapag umungal ang leon,sino ang hindi matatakot?Kapag nagsalita ang Panginoong Yahweh,sinong hindi magpapahayag?