2 Ang Panginoong Yahweh ay banal, at kanyang ipinangako:“Darating ang araw na kayo'y huhulihin ng pamingwit.Bawat isa sa inyo'y matutulad sa isdang nabingwit.
3 Ilalabas kayo sa siwang ng paderat kayo'y itatapon sa Harmon.”
4 “Mga mamamayan ng Israel,” sabi ng Panginoong Yahweh,“Pumunta kayo sa Bethel at doo'y gumawa ng kasalanan!Pumunta rin kayo sa Gilgal at dagdagan pa ang inyong mga kasalanan!Magdala kayo ng mga hayop na ihahandog tuwing umaga;magdala kayo ng ikasampung bahagi tuwing ikatlong araw.
5 Maghandog kayo ng tinapay bilang pasasalamat;ipagyabang ninyo ang inyong mga kusang-loob na handog!sapagkat ito ang gustung-gusto ninyong gawin.
6 “Ginutom ko kayo sa bawat lunsod;walang tinapay na makain sa bawat bayan,gayunma'y hindi kayo nanumbalik sa akin.
7 Hindi ko rin pinapatak ang ulanna kailangan ng inyong halaman.Nagpaulan ako sa isang lunsod ngunit sa iba'y hindi.Dinilig ko ang isang bukirin ngunit ang iba'y hinayaang matuyo.
8 Kaya't naghanap ang mga tao mula sa dalawa o tatlong lunsodng tubig sa karatig-lunsod ngunit di rin napatid ang kanilang uhaw.Gayunman, hindi pa rin kayo nanumbalik sa akin.