5 Maghandog kayo ng tinapay bilang pasasalamat;ipagyabang ninyo ang inyong mga kusang-loob na handog!sapagkat ito ang gustung-gusto ninyong gawin.
6 “Ginutom ko kayo sa bawat lunsod;walang tinapay na makain sa bawat bayan,gayunma'y hindi kayo nanumbalik sa akin.
7 Hindi ko rin pinapatak ang ulanna kailangan ng inyong halaman.Nagpaulan ako sa isang lunsod ngunit sa iba'y hindi.Dinilig ko ang isang bukirin ngunit ang iba'y hinayaang matuyo.
8 Kaya't naghanap ang mga tao mula sa dalawa o tatlong lunsodng tubig sa karatig-lunsod ngunit di rin napatid ang kanilang uhaw.Gayunman, hindi pa rin kayo nanumbalik sa akin.
9 “Sinira ko ang inyong pananim,sa pamamagitan ng mainit na hangin at amag.Kinain ng mga balang ang inyong mga halaman, pati ang mga puno ng ubas, igos at olibo,gayunma'y hindi pa rin kayo nanumbalik sa akin.
10 “Pinadalhan ko kayo ng salot tulad ng aking ginawa sa Egipto.Pinatay ko sa digmaan ang inyong kabinataan;inagaw ko ang inyong mga kabayo.Bumaho ang inyong mga kampo dahil sa mga nabubulok na bangkay; halos hindi kayo makahinga,subalit hindi pa rin kayo nanumbalik sa akin.
11 “Pinuksa ko ang ilan sa inyong lunsod tulad ng Sodoma at Gomorra.Kayo'y parang nagbabagang kahoy na inagaw sa apoy,ngunit ayaw pa rin ninyong manumbalik sa akin,” sabi ni Yahweh.