10 Kapag dumating ang kamag-anak ng mga namatay upang ilabas at sunugin ang mga bangkay, magtatanong siya sa sinumang nagtatago sa bahay kung mayroon pa siyang ibang kasama. Kung ang sagot ay, “Wala!” sasabihin nito, “Tumahimik ka!” Ingatan nating huwag mabanggit man lang ang pangalan ni Yahweh.
11 Kapag siya ang nag-utos,magkakadurug-durog ang mga bahay,malaki man o maliit.
12 Tumatakbo ba sa batuhan ang mga kabayo?Naipang-aararo ba sa dagat ang mga baka?Hindi nga, ngunit ginawa ninyong lason ang katarunganat pinalitaw na mali ang tama.
13 Tuwang-tuwa kayo nang masakop ninyo ang bayan ng Lo-debar.Sabi ninyo, “Tayo'y malakas at nakaya nating sakupin ang Karnaim.”
14 Ngunit ito ang sagot ni Yahweh, ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat:“Susuguin ko ang isang bansa laban sa inyo, mga taga-Israel.Kayo'y pahihirapan buhat sa Pasong Hamat sa hilagahanggang sa Batis ng Araba sa timog.”