5 Lumilikha pa kayo ng mga walang kabuluhang awitin sa saliw ng alpa;tulad ni David, gumagawa kayo ng mga instrumento para sa inyong musika.
6 Sa malalaking mangkok na kayo umiinom ng alak,at mamahaling pabango ang ipinapahid sa katawan,ngunit hindi kayo nagdadalamhati sa pagkawasak ng Israel!
7 Kaya nga't kayo ang unang magiging bihag;matitigil na ang inyong mga handaan at pagdiriwang.
8 Mariing ipinahayag ng Panginoong Yahweh, ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat,“Namumuhi ako sa labis na kapalaluan ng Israel!Hindi ako nalulugod sa kanilang mga tanggulan.Ibibigay ko sa kaaway ang buong lunsod at ang lahat ng bagay na naroon.”
9 Kung sasampung lalaki ang natira sa isang pamilya, silang lahat ay mamamatay.
10 Kapag dumating ang kamag-anak ng mga namatay upang ilabas at sunugin ang mga bangkay, magtatanong siya sa sinumang nagtatago sa bahay kung mayroon pa siyang ibang kasama. Kung ang sagot ay, “Wala!” sasabihin nito, “Tumahimik ka!” Ingatan nating huwag mabanggit man lang ang pangalan ni Yahweh.
11 Kapag siya ang nag-utos,magkakadurug-durog ang mga bahay,malaki man o maliit.