1 Ipinakita naman sa akin ng Panginoong Yahweh ang isang basket ng prutas.
2 Sinabi niya, “Amos, ano ang nakikita mo?” “Isa pong basket ng prutas,” sagot ko. At sinabi sa akin ni Yahweh,“Dumating na ang wakas ng Israel.Ang pagpaparusa sa kanila'y di ko na maipagpapaliban pa.
3 At sa araw na iyon, malulungkot na awitin ang maririnig sa palasyo.May mga bangkay na naghambalang sa labasat maghahari ang katahimikan.”
4 Pakinggan ninyo ito, kayong sumisikil sa mga nangangailangan,at kayong umaapi sa mga dukha.
5 Ang sabi ninyo sa inyong sarili,“Inip na inip na kaming matapos ang mga araw ng pagdiriwang.Hindi tuloy namin maipagbili ang aming mga inani.Kailan ba matatapos ang Sabbath,para maipagbili namin ang mga trigo?Tataasan namin ang halaga, gagamit kami ng madayang takalan,at dadayain namin sa timbang ang mga mamimili.