5 Ang sabi ninyo sa inyong sarili,“Inip na inip na kaming matapos ang mga araw ng pagdiriwang.Hindi tuloy namin maipagbili ang aming mga inani.Kailan ba matatapos ang Sabbath,para maipagbili namin ang mga trigo?Tataasan namin ang halaga, gagamit kami ng madayang takalan,at dadayain namin sa timbang ang mga mamimili.
6 Bibilhin namin upang maging alipin ang mga mahihirap sa halagang isang pilak,at ang mga nangangailangan ay sa halagang katumbas ng isang pares na sandalyas.At ipagbibili namin ang ipa ng trigo.”
7 Sumumpa si Yahweh, ang Diyos ng Israel,“Hindi ko na mapapatawad ang masasama nilang gawa.
8 Magkakaroon ng lindol sa lupa at mananangis ang bawat isa.Mayayanig ang buong bayan; tataas-bababâ ito na tulad ng Ilog Nilo.”
9 Sa araw na iyon, sabi ng Panginoong Yahweh,“Lulubog ang araw sa katanghaliang-tapat,at magdidilim sa buong maghapon.
10 Ang iyong kapistahan ay gagawin kong araw ng kapighatian;at ang masasayang awitin ninyo'y magiging panaghoy.Pipilitin ko kayong magsuot ng panluksa,at mapipilitan kayong mag-ahit ng ulo.Matutulad kayo sa magulang na nagdadalamhati, dahil sa pagkamatay ng kaisa-isang anak.Ang araw na iyon ay magiging mapait hanggang sa wakas.”
11 Sinabi ng Panginoong Yahweh,“Darating din ang araw na papairalin ko sa lupain ang taggutom.Magugutom sila ngunit hindi sa pagkain; mauuhaw sila ngunit hindi sa tubig,kundi sa pakikinig ng aking mga salita.