1 Nakita kong nakatayo sa may altar ang Panginoon. At siya'y nag-utos ng ganito:“Bayuhin mo ang mga haligi ng templo hanggang sa mauga ang buong pundasyon,at ihampas ito sa ulo ng mga tao.Ang mga nalabi ay masasawi sa digmaan,walang sinumang makakatakas;isa ma'y walang makakaligtas.
2 Humukay man sila patungo sa daigdig ng mga patay,aabutan ko pa rin sila.Umakyat man sila sa langit,hihilahin ko silang pababa mula roon.
3 Kung magtago man sila sa Bundok ng Carmel,tutugisin ko sila't huhulihin.Magtago man sila sa kalaliman ng dagat,uutusan ko ang dambuhala sa dagat upang sila'y lamunin.
4 Kung bihagin man sila ng kanilang kaaway,iuutos kong sila'y patayin sa pamamagitan ng tabak.Ipinasya ko nang puksain sila at hindi tulungan.”