33 sa silangan ng Ilog ng Jordan: ang buong Gilead, Bashan, at mga lugar sa hilaga ng bayan ng Aroer na malapit sa Lambak ng Arnon. Ang mga lugar na ito ay dating pinamayanan ng mga lahi ni Gad, Reuben at Manase.
34 Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Jehu, at ang lahat ng ginawa niya at pagtatagumpay ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel.
35 Nang mamatay si Jehu, inilibing siya sa Samaria. At ang anak niyang si Jehoahaz ang pumalit sa kanya bilang hari.
36 Naghari si Jehu sa Israel doon sa Samaria sa loob ng 28 taon.