2 Hari 8:9 ASND

9 Kaya pumunta si Hazael kay Eliseo na may dalang 40 kamelyo na kinargahan ng pinakamagandang produkto ng Damascus bilang regalo. Pagdating niya kay Eliseo, sinabi niya, “Inutusan po ako ng lingkod ninyong si Haring Ben Hadad ng Aram, para tanungin kayo kung gagaling pa siya sa sakit niya.”

Basahin ang kumpletong kabanata 2 Hari 8

Tingnan 2 Hari 8:9 sa konteksto