1 Ang mga taga-Israel ay umaasa sa mga walang kwentang bagay. Buong araw nilang hinahabol ang mga bagay na nagdadala sa kanila sa kapahamakan. Lalo pa silang naging malupit at sinungaling. Nakikipagkasundo sila sa Asiria at sa Egipto, kung kaya nireregaluhan nila ang Egipto ng langis.
2 May mga paratang din ang Panginoon laban sa mga taga-Juda na lahi ni Jacob. Parurusahan niya sila ayon sa kanilang pag-uugali; gagantihan niya sila ayon sa kanilang mga ginawa.
3 Noong si Jacob na kanilang ninuno ay nasa tiyan pa lamang ng kanyang ina, nais na niyang lampasan ang kanyang kakambal. At noong lumaki na siya, nakipagbuno siya sa Dios
4 sa pamamagitan ng anghel, at nagtagumpay siya. Umiiyak siya habang nagmamakaawang pagpalain siya ng anghel. Nakita niya ang Dios sa Betel, at doon nakipag-usap ang Dios sa kanya.
5 Siya ang Panginoong Dios na Makapangyarihan sa lahat. Panginoon ang kanyang pangalan.