20 Sa panahon ni Jehoram, naghimagsik ang Edom laban sa Juda at naglagay ng sariling hari.
21 Pumunta siya sa Zair, dala ang lahat niyang karwahe. Ngunit napaligiran sila ng mga Edomita kaya kinagabihan, nagpilit silang lumusot. Ang mga tauhan niya ay nagsitakas pauwi sa kani-kanilang bahay.
22 Mula noon, hindi na sakop ng Juda ang Edom. Hindi nagtagal, naghimagsik din ang Libna.
23 Ang iba pang ginawa ni Jehoram ay nakasulat sa Kasaysayan ng mga Hari ng Juda.
24 Namatay siya at inilibing sa bayan ni David, sa libingan ng kanyang mga ninuno. Ang humalili sa kanya bilang hari ay ang anak niyang si Ahazias.
25 Si Ahazias na anak ni Haring Jehoram ay naging hari ng Juda noong ikalabindalawang taon ng paghahari sa Israel ni Joram na anak ni Ahab.
26 Si Ahazias ay dalawampu't dalawang taon noon at isang taon siyang naghari sa Jerusalem. Ang kanyang ina ay si Atalia na apo ni Omri na naging hari din ng Israel.