1 Huwag mong pagsasalitaan nang marahas ang lalaking nakatatanda sa iyo, kundi paalalahanan mo siya na parang sarili mong ama. Pakitunguhan mo namang parang kapatid ang mga nakababatang lalaki.
2 Ituring mong parang sariling ina ang matatandang babae, at pakitunguhan mo nang buong kalinisan ang mga kabataang babae na parang iyong mga kapatid.
3 Tulungan mo ang mga biyudang walang ikabubuhay.
4 Subalit kung ang isang biyuda ay may mga anak o apo, sila ang unang dapat kumalinga sa kanya bilang pagtanaw ng utang na loob, sapagkat ito ay nakalulugod sa Diyos.
5 Ang tunay na biyuda ay iyong nag-iisa na sa buhay, at tanging sa Diyos lamang umaasa, kaya't patuloy siyang nananalangin sa araw at gabi.
6 Samantala, ang biyudang nabubuhay sa kalayawan ay maituturing nang patay.
7 Ipatupad mo sa kanila ang utos na ito upang walang maisumbat sa kanila ang sinuman.