2 At kung ang kanila namang amo ay kapwa nila Cristiano, hindi sila dapat magkulang ng paggalang sa mga ito sa dahilang sila'y magkapatid sa pananampalataya. Dapat pa nga nilang pagbutihin ang kanilang paglilingkod sapagkat ang pinaglilingkuran nila'y kaisa sa pananampalataya at pag-ibig.Ituro mo't ipatupad ang mga bagay na ito.
3 Kung nagtuturo ang sinuman ng ibang katuruan at di sang-ayon sa mga tunay na salita ng Panginoong Jesu-Cristo at sa mga aral tungkol sa pagiging maka-Diyos,
4 siya ay nagyayabang ngunit walang nalalaman. Sakit na niya ang manuligsa at makipagdebate tungkol sa mga salita, mga bagay na humahantong sa inggitan, alitan, kutyaan, at pagbibintang.
5 Mahilig din siyang makipagdebate sa mga taong baluktot ang pag-iisip at di kumikilala sa katotohanan. Ang akala ng mga ganitong tao ay paraan ng pagpapayaman ang relihiyon.
6 Kung sabagay, malaki nga ang mapapakinabang sa relihiyon kung ang tao'y marunong masiyahan.
7 Wala tayong dalang anuman sa sanlibutan, at wala rin tayong madadalang anuman pag-alis dito.
8 Kaya nga't, dapat na tayong masiyahan kung tayo'y may kinakain at isinusuot.