1 Noong una, nangusap ang Diyos sa ating mga ninuno sa iba't ibang panahon at sa iba't ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta.
2 Ngunit nitong mga huling araw, siya'y nagsalita sa atin sa pamamagitan ng kanyang Anak. Sa pamamagitan ng Anak ay nilikha ng Diyos ang sanlibutan, at siya ang piniling tagapagmana ng lahat ng bagay.
3 Ang Anak ang maningning na sinag ng Diyos. Kung ano ang Diyos ay gayundin ang Anak. Siya ang nag-iingat sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng kanyang makapangyarihang salita. Pagkatapos niyang linisin tayo sa ating mga kasalanan, siya'y umupo sa kanan ng makapangyarihang Diyos doon sa langit.
4 Ang Anak ay ginawang higit na dakila kaysa mga anghel, tulad ng pangalan na ibinigay sa kanya ng Diyos ay higit na dakila.
5 Sapagkat kailanma'y hindi sinabi ng Diyos sa sinumang anghel,“Ikaw ang aking Anak,mula ngayo'y ako na ang iyong Ama.”Ni hindi rin niya sinabi sa kaninumang anghel,“Ako'y kanyang magiging Ama,at siya'y aking magiging Anak.”
6 At nang isusugo na ng Diyos ang kanyang panganay na Anak sa sanlibutan ay sinabi niya,“Dapat siyang sambahin ng lahat ng anghel ng Diyos.”