1 Ang Kautusan ay anino lamang at hindi lubos na naglalarawan ng mabubuting bagay na darating. Hindi ito nagpapabanal sa mga lumalapit sa Diyos sa pamamagitan ng mga handog na iniaalay taun-taon.
2 Kung napatawad na nga ang mga lumalapit sa Diyos sa pamamagitan ng ganoong mga handog, wala na sana silang dapat alalahanin, at hindi na sila kailangang mag-alay pang muli.
3 Ngunit ang mga alay na ito ang nagpapagunita sa mga tao ng kanilang mga kasalanan taun-taon,
4 sapagkat ang dugo ng mga toro at mga kambing ay hindi makakapawi ng mga kasalanan.
5-6 Dahil diyan, nang si Cristo'y naparito sa daigdig, sinabi niya sa Diyos:“Ang mga pang-alay, pati mga handog, at ang mga hayop na handang sunugin,hindi mo na ibig sa dambana dalhin,hindi mo kinalugdan ang mga handog na sinusunog,at ang mga handog upang pawiin ang kasalanan.Kaya't inihanda mo ang aking katawan upang maging handog.
7 Kaya't sinabi ko, ‘Ako'y narito, O Diyos,upang sundin ang iyong kalooban,’ayon sa sinasabi ng kasulatan tungkol sa akin.”