15 Ang Espiritu Santo'y nagpapatotoo rin sa atin tungkol dito. Sinabi niya,
16 “Ganito ang gagawin kong kasunduan sa kanilapagdating ng mga araw na iyon, sabi ng Panginoon:Itatanim ko sa kanilang puso ang aking mga utos,at isusulat ko ang mga iyon sa kanilang mga isip.”
17 Pagkatapos ay sinabi pa niya, “Kalilimutan ko na ang kanilang mga kasalanan at kasamaan.”
18 Sapagkat ipinatawad na ang mga kasalanan, hindi na kailangan pang maghandog dahil sa kasalanan.
19 Kaya nga, mga kapatid, tayo'y malaya nang makakapasok sa Dakong Kabanal-banalan dahil sa dugo ni Jesus.
20 Binuksan niya para sa atin ang isang bago at buháy na daang naglalagos hanggang sa kabila ng tabing, at ang tabing na ito'y ang kanyang katawan.
21 Tayo ay may isang Pinakapunong Pari na namamahala sa sambahayan ng Diyos.