4 Bawat bahay ay may tagapagtayo, ngunit ang Diyos lamang ang nagtayo ng lahat ng bagay.
5 Si Moises ay naging tapat bilang isang lingkod sa buong sambahayan ng Diyos, upang magpatotoo sa mga bagay na ihahayag sa mga darating na panahon.
6 Subalit si Cristo ay tapat bilang Anak na namumuno sa sambahayan ng Diyos. At tayo ang kanyang sambahayan, kaya't matibay ang ating pag-asa at hindi natin ito ikinahihiya.
7 Kaya't tulad ng sinabi ng Espiritu Santo,“Kapag narinig ninyo ngayon ang tinig ng Diyos,
8 iyang inyong puso'y huwag patigasin,tulad noong maghimagsik ang inyong mga ninuno doon sa ilang, nang subukin nila ako.
9 Ako ay tinukso't doon ay sinubok ng inyong magulang,bagama't nakita nila ang mga ginawa ko sa loob ng apatnapung taon.
10 Kaya't napoot ako sa kanila at sinabi ko,‘Lagi silang lumalayo sa akin,ang mga utos ko'y ayaw nilang sundin.’