5 At muli pang sinabi, “Hindi sila makakapasok at makakapagpahinga sa aking piling.”
6 Ang mga unang nakarinig ng Magandang Balita ay hindi nakapasok at nakapagpahinga dahil hindi sila sumampalataya. Ngunit may mga inaanyayahan pa ring magpahinga sa piling ng Diyos.
7 Kaya't muling nagtakda ang Diyos ng isa pang araw na tinawag niyang “Ngayon”. Pagkalipas ng mahabang panahon, sinabi sa pamamagitan ni David sa kasulatang nabanggit,“Ngayon, kapag narinig ninyo ang tinig ng Diyos,iyang inyong puso'y huwag patigasin.”
8 Kung ang mga tao noon ay nabigyan ni Josue ng lubos na kapahingahan, hindi na sana ipinangako pa ng Diyos ang tungkol sa isa pang araw ng kapahingahan.
9 Kung paanong nagpahinga ang Diyos sa ikapitong araw, mayroon ding kapahingahang nakalaan sa mga taong sumasampalataya sa Diyos,
10 sapagkat ang sinumang makapasok at makapagpahinga sa piling ng Diyos ay magpapahinga rin sa kanyang paggawa, tulad ng Diyos na nagpahinga sa kanyang paglikha.
11 Kaya't sikapin nating makamtan ang kapahingahang iyon at huwag mabigong tulad ng mga hindi sumasampalataya.