5 Gayundin naman, hindi itinaas ni Cristo ang kanyang sarili upang maging Pinakapunong Pari. Siya'y pinili ng Diyos na nagsabi sa kanya,“Ikaw ang aking Anak,mula ngayo'y ako na ang iyong Ama.”
6 Sinabi rin niya sa ibang bahagi ng kasulatan,“Ikaw ay pari magpakailanman,ayon sa pagkapari ni Melquisedec.”
7 Noong si Jesus ay namumuhay pa rito sa lupa, siya'y nanalangin at lumuluhang nakiusap sa Diyos na makakapagligtas sa kanya sa kamatayan. At dininig siya ng Diyos dahil lubusan siyang nagpakumbabá.
8 Kahit na siya'y Anak ng Diyos, natutuhan niya ang tunay na kahulugan ng pagsunod sa pamamagitan ng pagtitiis.
9 At nang siya'y maging ganap, siya'y naging walang hanggang Tagapagligtas ng lahat ng mga sumusunod sa kanyang kalooban.
10 Minarapat ng Diyos na siya'y gawing Pinakapunong Pari ayon sa pagkapari ni Melquisedec.
11 Marami pa kaming masasabi tungkol sa bagay na ito, ngunit mahirap ipaliwanag sa inyo sapagkat napakabagal ninyong umunawa.