1 Humingi kayo ng ulan kay Yahweh, sa panahon ng tagsibol.Sa kanya na lumilikha ng ulap at hamog na nagpapasariwa sa mga pananim.
2 Ang mga diyus-diyosan ay wala ng kabuluhan;ang pangitain ng mga manghuhula ay pawang kasinungalingan;ang mga panaginip nila'y walang katotohanan;ang kanilang sinasabi'y wala ring kabuluhan.Kaya't mga tao'y parang tupang naliligaw,pagkat walang pastol na sa kanila'y umaakay.
3 Ang mga pastol ay aking kinapopootan,at ang mga pinuno ay aking paparusahan.Mahal ko ang Juda, kaya siya'y iingatan,palalakasin ko silang parang kabayo sa digmaan.
4 Sa kanila magmumula ang batong-panulukan;sa kanila manggagaling ang tulos ng tolda;sa kanila magmumula ang panang panudla,mula rin sa kanila ang pinunong mamamahala.