1 Ito ang ipinapasabi ni Yahweh: “Itinakda ko na ang parusa sa lupain ng Hadrac at sa lunsod ng Damasco. Ang mga lunsod ng Aram ay akin, kung paanong ang lahat ng lipi ni Israel ay akin.
2 Akin din ang Hamat na nasa hangganan ng Hadrac, gayon din ang Tiro at Sidon, bagaman sila'y napakarunong.
3 Ang Tiro ay napapaligiran ng matibay na pader. Nag-ipon siya ng makapal na pilak at gintong sindami ng alabok sa lansangan.
4 Ngunit ngayon, kukunin ni Yahweh ang lahat niyang ari-arian at ihahagis lahat sa dagat. Ang lunsod naman ay ipatutupok niya sa apoy.
5 “Makikita ito ng Ashkelon at siya ay mangingilabot. Manginginig rin sa takot ang Gaza, at mawawalan ng pag-asa ang Ekron. Mawawalan ng hari ang Gaza at wala nang maninirahan pa sa Ashkelon.
6 Paghaharian ng mga dayuhan ang Asdod. Ibabagsak ko ang palalong Filistia.
7 Hindi na sila kakain ng dugo o anumang ipinagbabawal na pagkain. Ang matitira ay mapapabilang sa aking bayan at ituturing na isa sa mga angkan ni Juda. Ang mga taga-Ekron ay mapapabilang din sa aking bayan, tulad ng nangyari sa mga Jebuseo.
8 Babantayan ko ang aking bayan upang hindi ito mapasok ng kaaway. Hindi ko na papahintulutang lupigin pa sila ng iba, sapagkat nakita ko na ang kanilang paghihirap.”
9 O Zion, magdiwang ka sa kagalakan!O Jerusalem, ilakas mo ang awitan!Pagkat dumarating na ang iyong harina mapagtagumpay at mapagwagi.Dumarating siyang may kapakumbabaan,batang asno ang kanyang sinasakyan.
10 “Ipapaalis niya ang mga karwahe sa Efraim,gayundin ang mga kabayong pandigma ng Jerusalem.Panudla ng mga mandirigma ay mawawala,pagkat paiiralin niya'y ang pagkakasundo ng mga bansa.Hangganan ng kaharian niya'y dagat magkabila,mula sa Ilog Eufrates hanggang dulo ng lupa.”
11 Sinabi pa ni Yahweh,“Alang-alang sa ating tipan na pinagtibay ng dugo,ibabalik ko ang mga anak mong itinapon sa balong tuyo.
12 Kayo, mga bilanggo, na di nawalan ng pag-asa,ay maaari nang bumalik sa inyong lupain.Ang magandang kalagayan ninyo noong unang panahon,ay aking hihigitan at pag-iibayuhin.
13 Binanat ko ang Juda gaya ng isang pana,at ang Efraim naman ang aking panudla.Kayong mga taga-Zion ay aking isasagupalaban sa mga anak ng mga taga-Grecia;gaya ng tabak ng isang mandirigma,sila'y gagawin kong aking sandata.”
14 Si Yahweh ay magpapakita sa kanyang bayan,at ang palaso niya'y parang kidlat na sisibat;trumpeta ng Panginoong Yahweh, kanyang hihipanat sila'y parang ipu-ipong sasalakay sa katimugan.
15 Si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, sa kanila'y mag-iingat;sa pagdumog sa kaaway sila'y di maaawat.Dugo ng mga ito'y kanilang paaagusin,gaya ng mga handog na sa altar inihain.
16 Sa araw na iyon, ililigtas sila ni Yahweh na kanilang Diyospagkat sila'y kanyang kawan, iniibig na lubos.Sa buong lupain ay magniningning sila,parang batong hiyas ng isang korona.
17 Mararanasan nila'y kagandaha't kasaganaan;pagkain at alak, may taglay na kalakasan,para sa kabinataan at mga kadalagahan.