1 Pintuan mo ay ibukas, lupain ng Lebanon,upang lamunin ng apoy ang iyong mga sedar.
2 Magsitaghoy kayo, mga puno ng siprespagkat bumagsak na ang sedar,ang mararangal na punong iyon.Managhoy rin kayo, mga ensina ng Bashan,pagkat nahawan na ang madilim na kagubatan.
3 Gayon na lamang ang pagtangis ng mga pinuno,pagkat karangalan nila'y parang biglang naglaho.Atungal ng mga leon, iyong pakinggan,pagkat gubat ng Jordan ay nasira na't nahawan.
4 Sinabi sa akin ni Yahweh na aking Diyos, “Ikaw ang mag-alaga sa mga tupa kong papatayin.
5 Pinapatay lamang sila ng nag-aalaga sa kanila ngunit hindi napaparusahan ang mga ito. Ang karne ay ipinagbibili at pagkatapos ay kanilang sinasabi, ‘Purihin si Yahweh! Mayaman na tayo ngayon.’ Maging ang mga pastol ay hindi rin naawa sa kanila.
6 Hindi ko na kahahabagan ang mga tao sa lupaing ito. Pababayaan ko silang mahulog sa kamay ng kanilang kapwa. Wawasakin nila ang lahat ng bansa, isa ma'y wala akong ililigtas!”
7 Kinuha ako ng mga mamimili upang mag-alaga sa binili nilang tupang papatayin. Kumuha ako ng tungkod; ang isa'y pinangalanan kong Kabutihang Loob, at ang isa nama'y Pagkakaisa. At inalagaan ko nga ang kawan.