3 Sa magkabila nito ay may puno ng olibo,” sagot ko naman sa kanya.
4 Itinanong ko sa anghel, “Ano po ang kahulugan nito, panginoon?”
5 “Hindi mo ba alam iyan?” patanong na sagot sa akin.“Hindi po,” ang sagot ko.
6 Sinabi sa akin ng anghel ang ipinapasabi ni Yahweh para kay Zerubabel, “Pinapasabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat: Ang tagumpay ay hindi makakamit sa pamamagitan ng lakas ng hukbo o sariling kapangyarihan kundi sa pamamagitan lamang ng aking espiritu.
7 Maging ang pinakamalaking hadlang ay makikita ninyong maaalis. Muli mong itatayo ang templo at habang inilalagay mo ang kahuli-hulihang bato, magbubunyi ang mga tao at kanilang sasabihin, ‘Napakaganda!’”
8 Sinabi muli sa akin ni Yahweh,
9 “Si Zerubabel ang naglagay ng pundasyon sa templong ito at siya rin ang tatapos. Kapag ito'y natapos na, mapapatunayan ng lahat na ikaw ang aking isinugo.