11 Sinabi pa ni Yahweh,“Alang-alang sa ating tipan na pinagtibay ng dugo,ibabalik ko ang mga anak mong itinapon sa balong tuyo.
12 Kayo, mga bilanggo, na di nawalan ng pag-asa,ay maaari nang bumalik sa inyong lupain.Ang magandang kalagayan ninyo noong unang panahon,ay aking hihigitan at pag-iibayuhin.
13 Binanat ko ang Juda gaya ng isang pana,at ang Efraim naman ang aking panudla.Kayong mga taga-Zion ay aking isasagupalaban sa mga anak ng mga taga-Grecia;gaya ng tabak ng isang mandirigma,sila'y gagawin kong aking sandata.”
14 Si Yahweh ay magpapakita sa kanyang bayan,at ang palaso niya'y parang kidlat na sisibat;trumpeta ng Panginoong Yahweh, kanyang hihipanat sila'y parang ipu-ipong sasalakay sa katimugan.
15 Si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, sa kanila'y mag-iingat;sa pagdumog sa kaaway sila'y di maaawat.Dugo ng mga ito'y kanilang paaagusin,gaya ng mga handog na sa altar inihain.
16 Sa araw na iyon, ililigtas sila ni Yahweh na kanilang Diyospagkat sila'y kanyang kawan, iniibig na lubos.Sa buong lupain ay magniningning sila,parang batong hiyas ng isang korona.
17 Mararanasan nila'y kagandaha't kasaganaan;pagkain at alak, may taglay na kalakasan,para sa kabinataan at mga kadalagahan.