4 Ngunit ngayon, kukunin ni Yahweh ang lahat niyang ari-arian at ihahagis lahat sa dagat. Ang lunsod naman ay ipatutupok niya sa apoy.
5 “Makikita ito ng Ashkelon at siya ay mangingilabot. Manginginig rin sa takot ang Gaza, at mawawalan ng pag-asa ang Ekron. Mawawalan ng hari ang Gaza at wala nang maninirahan pa sa Ashkelon.
6 Paghaharian ng mga dayuhan ang Asdod. Ibabagsak ko ang palalong Filistia.
7 Hindi na sila kakain ng dugo o anumang ipinagbabawal na pagkain. Ang matitira ay mapapabilang sa aking bayan at ituturing na isa sa mga angkan ni Juda. Ang mga taga-Ekron ay mapapabilang din sa aking bayan, tulad ng nangyari sa mga Jebuseo.
8 Babantayan ko ang aking bayan upang hindi ito mapasok ng kaaway. Hindi ko na papahintulutang lupigin pa sila ng iba, sapagkat nakita ko na ang kanilang paghihirap.”
9 O Zion, magdiwang ka sa kagalakan!O Jerusalem, ilakas mo ang awitan!Pagkat dumarating na ang iyong harina mapagtagumpay at mapagwagi.Dumarating siyang may kapakumbabaan,batang asno ang kanyang sinasakyan.
10 “Ipapaalis niya ang mga karwahe sa Efraim,gayundin ang mga kabayong pandigma ng Jerusalem.Panudla ng mga mandirigma ay mawawala,pagkat paiiralin niya'y ang pagkakasundo ng mga bansa.Hangganan ng kaharian niya'y dagat magkabila,mula sa Ilog Eufrates hanggang dulo ng lupa.”