26 Sapagkat sinabi niya,‘Puntahan mo ang mga taong ito at sabihin mo sa kanila na kahit makinig sila, hindi sila makakaunawa,at kahit tumingin sila, hindi sila makakakita,
27 dahil matigas ang puso ng mga taong ito.Tinakpan nila ang kanilang mga tainga at ipinikit nila ang kanilang mga mata.Dahil baka makakita sila at makarinig,at maunawaan nila kung ano ang tama, at magbalik-loob sila sa akin, at pagalingin ko sila.’ ”
28 Sinabi pa ni Pablo, “Gusto ko ring sabihin sa inyo na ang salita ng Dios tungkol sa kaligtasan ay ibinalita na sa mga hindi Judio, at sila ay talagang nakikinig.” [
29 Pagkasabi nito ni Pablo, nag-uwian ang mga Judio na mainit na nagtatalo.]
30 Sa loob ng dalawang taon, nanatili si Pablo sa bahay na kanyang inuupahan. At tinanggap niya ang lahat ng dumadalaw sa kanya.
31 Tinuruan niya sila tungkol sa paghahari ng Dios at tungkol sa Panginoong Jesu-Cristo. Hindi siya natakot sa kanyang pagtuturo at wala namang pumigil sa kanya.