1 Nagreklamo ang mga Israelita kay Moises dahil sa hirap na kanilang dinaranas. Nang marinig ito ng Panginoon, nagalit siya at nagpadala siya ng apoy na sumunog sa ilang dulong bahagi ng kampo.
2 Dahil dito, humingi ng tulong ang mga Israelita kay Moises, at nanalangin si Moises sa Panginoon, at namatay ang apoy.
3 Kaya ang lugar na iyon ay pinangalanang Tabera, dahil nagpadala ang Panginoon ng apoy sa kanila.
4 May mga grupo ng dayuhan na sumama sa mga Israelita na naghahanap ng mga pagkaing gusto nilang kainin, kaya nagreklamo pati ang mga Israelita na nagsasabi, “Kung makakakain man lang sana tayo ng karne.
5 Noong naroon tayo sa Egipto, nakakakain tayo ng mga libreng isda at ng mga pipino, melon, sibuyas at mga bawang.
6 Pero dito wala tayong ganang kumain; puro ‘manna’ lang ang ating kinakain.”
7 Ang mga “manna” na ito ay parang mga buto na maliliit at mapuputi.