1 Sinabi ng Panginoon kay Moises,
2 “Sabihin mo sa mga Israelita na kung papasok na sila sa Canaan, ito ang mga hangganan ng lupain na kanilang mamanahin:
3 “Ang hangganan sa timog ay ang ilang ng Zin sa may hangganan ng Edom. Magsisimula ito sa katimugang bahagi ng Dagat na Patay.
4 At liliko ito patimog papunta sa Daang Paahon ng Akrabim, hanggang sa ilang ng Zin, at magpapatuloy sa timog ng Kadesh Barnea. Pagkatapos, didiretso ito sa Hazar Adar hanggang sa Azmon,
5 at liliko papunta sa Lambak ng Egipto at magtatapos sa Dagat ng Mediteraneo.
6 “Ang hangganan sa kanluran ay ang Dagat ng Mediteraneo.
7 “Ang hangganan sa hilaga ay magmumula sa Dagat ng Mediteraneo papunta sa Bundok ng Hor,
8 at mula sa Bundok ng Hor papunta sa Lebo Hamat. Magpapatuloy ito sa Zedad,
9 hanggang sa Zifron at magtatapos sa Hazar Enan.
10 “Ang hangganan sa silangan ay magmumula sa Hazar Enan papunta sa Shefam.
11 Pagkatapos, bababa ito papunta sa Ribla, sa bandang silangan ng Ain, at magpapatuloy ito sa mga burol sa silangan ng Lawa ng Galilea.
12 Pagkatapos, bababa ito sa Jordan at magtatapos sa Dagat na Patay.“Ito ang inyong lupain, at ang mga hangganan nito sa palibot.”
13 Pagkatapos, sinabi ni Moises sa mga Israelita, “Hatiin ninyo ang mga lupaing ito bilang inyong mana sa pamamagitan ng palabunutan. Sinabi ng Panginoon na ibigay ito sa siyam at kalahating lahi,
14-15 Dahil ang lahi nina Reuben, Gad, at ng kalahating lahi ni Manase ay nakatanggap na ng kanilang mana sa bandang silangan ng Jordan malapit sa Jerico.”
16 Sinabi ng Panginoon kay Moises,
17 “Sina Eleazar na pari at Josue na anak ni Nun ang maghahati-hati ng lupain para sa mga tao.
18 At pumili ka ng isang pinuno sa bawat lahi para tulungan sila sa paghahati ng lupain.”
29 Sila ang mga pinili ng Panginoon para tumulong sa paghahati-hati ng lupain ng Canaan bilang mana ng mga Israelita.