29 Ang mga lahi ni Manase ay ang mga pamilya ni Makir at ang anak nitong si Gilead.
30 Ang mga angkan ni Gilead ay ang mga pamilya nina Iezer, Helek,
31 Asriel, Shekem,
32 Shemida at Hefer.
33 Ang anak ni Hefer na si Zelofehad ay walang anak na lalaki, pero may mga anak siyang babae na sina Mahlah, Noe, Hogla, Milca at Tirza.
34 Sila ang mga pamilyang nanggaling kay Manase; 52,700 silang lahat.
35 Ang mga lahi naman ni Efraim ay ang mga pamilya nina Shutela, Beker, Tahan.