52 Pagkatapos, sinabi ng Panginoon kay Moises,
53 “Hati-hatiin mo sa kanila ang lupa bilang mana nila ayon sa dami ng bawat lahi.
54 Ang malaking lahi, bigyan ng mas malaki at ang maliit na lahi bigyan ng maliit.
55-56 Ang lupain ay kailangang hatiin sa pamamagitan ng palabunutan para malaman kung aling bahagi ang makukuha ng malaki at maliit na angkan ayon sa sensus.”
57 Ang mga Levita ay ang mga pamilya nina Gershon, Kohat at Merari.
58 At sa kanila nanggaling ang mga pamilya nina Libni, Hebron, Mahli, Mushi at Kora.Si Kohat ang panganay ni Amram;
59 at ang asawa ni Amram ay si Jochebed na mula naman sa pamilya ng mga Levita. Ipinanganak si Jochebed sa Egipto. Sina Amram at Jochebed ang mga magulang nina Aaron, Moises at Miriam.