11 Dinala nila ang kanilang mga sinamsam, maging tao o hayop man,
12 kina Moises at Eleazar na pari at sa mga mamamayan ng Israel doon sa kanilang kampo sa kapatagan ng Moab, sa tabi ng Jordan malapit sa Jerico.
13 Sinalubong sila nina Moises, Eleazar na pari at ng mga pinuno ng mga mamamayan ng Israel sa labas ng kampo.
14 Nagalit si Moises sa mga opisyal ng mga sundalo na nanggaling sa digmaan.
15 Sinabi ni Moises sa kanila, “Bakit hindi ninyo pinatay ang mga babae?
16 Sila ang mga sumunod sa payo ni Balaam sa paghikayat sa mga Israelita na itakwil ang Panginoon doon sa Peor, kaya dumating ang salot sa mamamayan ng Panginoon.
17 Kaya patayin ninyo ang lahat ng batang lalaki, at ang lahat ng babaeng nasipingan na.