1-2 Sinakop na ng mga Israelita ang mga lupain sa silangan ng Ilog Jordan, mula sa Lambak ng Arnon hanggang sa Bundok ng Hermon, kasama na rito ang lupain sa silangan ng Lambak ng Jordan. Ito ang mga hari sa mga lugar na natalo ng mga Israelita:Si Sihon na Amoreo na nakatira sa Heshbon. Sakop ng kaharian niya ang kalahati ng Gilead. Ito ay mula sa Aroer sa tabi ng Lambak ng Arnon, at mula sa gitna nito hanggang sa Lambak ng Jabok, na siyang hangganan ng lupain ng mga Ammonita.
3 Sakop din niya ang silangan ng Lambak ng Jordan, mula sa Lawa ng Galilea hanggang sa Bet Jeshimot, sa silangan ng Dagat na Patay at hanggang sa timog sa ibaba ng libis ng Pisga.
4 Ang ikalawa ay si Haring Og ng Bashan. Isa siya sa mga naiwan na Refaimeo. Nakatira siya sa Ashtarot at sa Edrei.
5 Ang sakop ng kaharian niya ay ang Bundok ng Hermon, Saleca, ang buong Bashan hanggang sa hangganan ng Geshur at Maaca, at ang kalahati ng Gilead, hanggang sa hangganan ng Heshbon, na ang hari ay si Sihon.
6 Tinalo sila ni Moises, na lingkod ng Panginoon, at ng mga Israelita. Ibinigay ni Moises ang lupain ng mga ito sa lahi ni Reuben, Gad at sa kalahating lahi ni Manase bilang mana nila.
7-8 Sinakop din ni Josue at ng mga Israelita ang mga lupain sa kanluran ng Jordan, mula sa Baal Gad sa Lambak ng Lebanon hanggang sa Bundok ng Halak na paahon sa Seir. Ibinigay ni Josue ang mga lupaing ito sa mga Israelita bilang mana nila. Hinati niya ito ayon sa bawat lahi nila. Ang mga lupaing ito ay ang mga kabundukan, mga kaburulan sa kanluran, ang Lambak ng Jordan, ang mga libis, ang disyerto sa timog, at ang Negev. Tinirhan ito dati ng mga Heteo, Amoreo, Cananeo, Perezeo, Hiveo, at mga Jebuseo. Ito ang mga hari ng mga lugar na iyon na tinalo ni Josue at ng mga Israelita:
9 ang hari ng Jericoang hari ng Ai (malapit sa Betel)
10 ang hari ng Jerusalemang hari ng Hebron
11 ang hari ng Jarmutang hari ng Lakish
12 ang hari ng Eglonang hari ng Gezer
13 ang hari ng Debirang hari ng Geder,
14 ang hari ng Hormaang hari ng Arad
15 ang hari ng Libnaang hari ng Adulam
16 ang hari ng Makedaang hari ng Betel
17 ang hari ng Tapuaang hari ng Hefer
18 ang hari ng Afekang hari ng Lasharon
19 ang hari ng Madonang hari ng Hazor
20 ang hari ng Shimron Meronang hari ng Acshaf
21 ang hari ng Taanacang hari ng Megido
22 ang hari ng Kedeshang hari ng Jokneam (sa Carmel)
23 ang hari ng Dor (sa Nafat Dor)ang hari ng Goyim (sa Gilgal)
24 ang hari ng Tirza.Ang mga haring ito ay 31 lahat.