18 at dumaraan sa hilagang libis na nakaharap sa Lambak ng Jordan pababa sa Lambak mismo.
19 Pagkatapos, papunta ito sa hilagang libis ng Bet Hogla, at nagtapos ito sa hilagang daanan ng tubig ng Dagat na Patay, na siyang hangganan ng Ilog ng Jordan sa timog. Ito ang hangganan sa timog.
20 Ang Ilog ng Jordan ay ang hangganan sa silangan.Iyon ang mga hangganan ng lupaing natanggap ng lahi ni Benjamin ayon sa bawat sambahayan.
21 Ito ang mga lungsod na ibinigay sa lahi ni Benjamin na hinati ayon sa bawat sambahayan:Jerico, Bet Hogla, Emek Keziz,
22 Bet Araba, Zemaraim, Betel,
23 Avim, Para, Ofra,
24 Kefar Ammoni, Ofni at Geba – 12 bayan kasama ang mga baryo nito.