23 Ito ang mga bayan at baryo na natanggap ng lahi ni Isacar na hinati ayon sa bawat sambahayan.
24 Ang ikalimang pinartihan ng lupa ay ang mga sambahayan ng lahi ni Asher.
25 Ito ang mga bayan na sakop nila:Helkat, Hali, Beten, Acshaf,
26 Alamelec, Amad at Mishal. Ang hangganan nitong lupain sa kanluran ay umaabot sa Carmel at Shihor Libnat,
27 paliko ito pasilangan papuntang Bet Dagon at umaabot sa Zebulun at sa Lambak ng Ifta El. Pagkatapos, papunta ito sa hilaga papuntang Bet Emek at Niel. Papunta pa ito sa hilaga hanggang Cabul,
28 Ebron, Rehob, Hammon, Kana at hanggang sa Malaking Sidon.
29 Pagkatapos, liliko ito patungong Rama at sa napapaderang bayan ng Tyre, at papuntang Hosa, at nagtatapos sa Dagat ng Mediteraneo. Ang iba pang mga bayan na sakop nila ay ang Mehebel, Aczib,